Mga Taga-Efeso 4

dahil nadiliman ang isipan nila sa pag-unawa ng mga espirituwal na bagay. At nawalay sila sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos dahil sa kamangmangan nila at katigasan ng kanilang puso.

Ephesians 4:18 (UKJV) Having the understanding darkened, being alienated from the life of God through the ignorance that is in them, because of the blindness of their heart:

16Sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan ay nagkakaugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagkakaisa sa kanilang pagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin, ang buong katawan ay lalago at lalakas sa kanilang pagmamahalan.

17Sa pangalan ng Panginoon, iginigiit kong huwag na kayong mamuhay gaya ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos. Walang kabuluhan ang iniisip nila,

18dahil nadiliman ang isipan nila sa pag-unawa ng mga espirituwal na bagay. At nawalay sila sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos dahil sa kamangmangan nila at katigasan ng kanilang puso.

19Nawalan na sila ng kahihiyan, kaya nawili sila sa kahalayan at laging sabik na sabik gumawa ng karumihan.

20Ngunit hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.