21Kung totoo ngang narinig na ninyo ang tungkol sa kanya at natutunan ang katotohanang nakay Hesus,
22iwanan na ninyo ang dati ninyong pagkatao at pamumuhay. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo.
23Baguhin na ninyo ang inyong pag-iisip at pag-uugali,
24at isuot ang bago ninyong pagkatao na nilikhang naaayon sa matuwid at banal na Diyos.
25Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Kristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.