25Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Kristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.
26Kung magalit man kayo, “huwag kayong magkasala”. At huwag ninyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo.
27Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.
28Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.
29Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.