12Nakakahiyang banggitin man lang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim.
13Ngunit kung pagsasabihan ninyo sila sa masasama nilang ginagawa, malalaman nilang masama nga ang kanilang mga ginagawa.
14Sapagkat maliliwanagan ang lahat ng naabot ng liwanag. Kaya nga sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa mga patay at liliwanagan ka ni Kristo.”
15Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo mamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong.
16Samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti, dahil marami ang gumagawa ng kasamaan sa panahong ito.