Mga Taga-Efeso 6

Sapagkat isinugo ako ng Diyos para ipangaral ang Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.

Ephesians 6:20 (UKJV) For which I am an ambassador in bonds: that therein I may speak boldly, as I ought to speak.

18At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Espiritu. Ipanalangin ninyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga hinirang.

19Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Diyos ng wastong pananalita upang maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon.

20Sapagkat isinugo ako ng Diyos para ipangaral ang Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.

21Si Tiquico, na minamahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat tungkol sa akin, upang malaman ninyo ang kalagayan ko at kung ano ang mga ginagawa ko.

22Ito ang dahilan kung bakit pinapunta ko siya sa inyo: Para malaman ninyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang loob ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.