21Si Tiquico, na minamahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat tungkol sa akin, upang malaman ninyo ang kalagayan ko at kung ano ang mga ginagawa ko.
22Ito ang dahilan kung bakit pinapunta ko siya sa inyo: Para malaman ninyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang loob ninyo.
23Mga kapatid, sumainyo nawa ang kapayapaan, pag-ibig at pananampalatayang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
24Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, kayong lahat na nagmamahal sa kanya nang tapat.