Ester 1

Nagustuhan ng hari at ng mga pinuno ang payo ni Memucan, kaya sinunod niya ito.

Esther 1:21 (UKJV) And the saying pleased the king and the princes; and the king did according to the word of Memucan:

19“Kaya kung inyong mamarapatin, Mahal na Hari, iminumungkahi naming magpalabas kayo ng isang kautusan at maisusulat ito bilang batas ng Persia at Media na hindi na mababago. Isasaad dito na hindi na maaaring humarap pa sa inyo si Vasti, at papalitan ninyo siya ng reynang higit na karapat-dapat kaysa sa kanya.

20At kapag naipahayag na ito sa buong kaharian, tiyak na igagalang ng mga babae ang mga asawa nila mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba.”

21Nagustuhan ng hari at ng mga pinuno ang payo ni Memucan, kaya sinunod niya ito.

22Nagpadala siya ng mga sulat sa lahat ng lalawigang nasasakupan ng kaharian niya ayon sa kani-kanilang wika. Sinasabi sa sulat na ang lalaki ang siyang dapat mamuno sa sambahayan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.