4Ang piging iyon ay tumagal ng anim na buwan. At sa loob ng mga panahong iyon, ipinakita ni Asuero ang kayamanan ng kaharian niya, ang kanyang kapangyarihan, at ang karangyaan ng kanyang pamumuhay.
5Pagkatapos noon, naghanda rin ang hari para sa lahat ng mga taga-Susa, mayaman man o dukha. Ang handaang iyon ay ginanap sa hardin ng palasyo ng hari, at tumagal ng isang linggo.
6Naglagay sila ng kurtinang puti at asul na tinalian ng panaling gawa sa telang lino na kulay ube. At ikinabit sa mga argolya na pilak sa mga haliging marmol. Ang mga upuan ay yari sa ginto at pilak. Ang sahig naman nito ay may disenyong yari sa kristal, marmol, nakar, at iba pang mamahaling bato.
7Pati ang mga kopang iniinuman ng mga panauhin ay yari sa gintong ibaʼt iba ang hugis at disenyo. Maraming mamahaling alak ang inihain angkop sa kasaganaan ng hari.
8Sa utos ng hari, hindi hinigpitan ang pag-iinom, sapagkat sinabihan ng hari ang mga alipin niyang pagsilbihan ang lahat hanggaʼt gusto nila.