Ester 10

Ang kapangyarihan ni Haring Asuero at ang lahat ng ginawa niya, pati na ang pagtataas niya ng katungkulan kay Mordecai at ang malaking karangalang ibinigay niya rito ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng hari ng Media at Persia.

Esther 10:2 (UKJV) And all the acts of his power and of his might, and the declaration of the greatness of Mordecai, unto which the king advanced him, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Media and Persia?

1Pinagbayad ni Haring Asuero ng buwis ang lahat ng mamamayan sa buong kaharian niya, pati na ang nakatira sa mga isla.

2Ang kapangyarihan ni Haring Asuero at ang lahat ng ginawa niya, pati na ang pagtataas niya ng katungkulan kay Mordecai at ang malaking karangalang ibinigay niya rito ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng hari ng Media at Persia.

3Si Mordecai ay pangalawa kay Haring Asuero. Tanyag siya sa mga kapwa niya Hudyo, at iginagalang nila dahil ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng mga kalahi niyang Hudyo, at siya ang tagapamagitan kapag mayroon silang kahilingan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.