Ester 2

Tuwang-tuwa si Hegai kay Ester, kaya mabuti ang pakikitungo niya rito. Agad niyang binigyan si Ester ng mga pampaganda at ng espesyal na pagkain. Binigyan niya rin ito ng pitong piling katulong na babae na galing sa palasyo, at inilipat sa pinakamagandang kuwarto kasama sila.

Esther 2:9 (UKJV) And the maiden pleased him, and she obtained kindness of him; and he speedily gave her her things for purification, with such things as belonged to her, and seven maidens, which were meet to be given her, out of the king's house: and he preferred her and her maids unto the best place of the house of the women.

7Si Mordecai ay may pinsang dalaga. Nang itoʼy maulila, inalagaan niya ito, pinalaki at itinuring na parang sarili niyang anak. Ang pangalan niya ay Hadasa na tinatawag ding Ester. Maganda si Ester at maganda rin ang hubog ng katawan nito.

8Nang maihayag ang utos ng hari, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng hari roon sa Susa. Ang isa sa kanila ay si Ester. Ipinaasikaso sila kay Hegai dahil ito nga ang nangangasiwa sa mga babaeng dinadala roon.

9Tuwang-tuwa si Hegai kay Ester, kaya mabuti ang pakikitungo niya rito. Agad niyang binigyan si Ester ng mga pampaganda at ng espesyal na pagkain. Binigyan niya rin ito ng pitong piling katulong na babae na galing sa palasyo, at inilipat sa pinakamagandang kuwarto kasama sila.

10Hindi sinabi ni Ester kung anong lahi o sambahayan siya kabilang dahil pinagbilinan siya ni Mordecai na huwag itong sasabihin.

11Araw-araw namang dumaraan si Mordecai malapit sa bakuran ng bahay na tinitirhan ng mga dalaga para malaman ang kalagayan ni Ester at kung ano na ang mga nangyayari sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.