4At sinabi niyang isa siyang Hudyo. Araw-araw, hinihikayat siya ng mga kapwa niya pinuno na yumukod kay Haman pero ayaw pa rin niyang sumunod. Dahil dito, isinumbong nila kay Haman si Mordecai para malaman nila kung pababayaan na lang siya sa ginagawa niya, dahil sinabi niyang isa siyang Hudyo.
5Nang makita ni Haman na hindi yumuyukod sa kanya si Mordecai para magbigay-galang, nagalit siya nang labis.
6At nang malaman pa niyang si Mordecai ay isang Hudyo, naisip niyang hindi lang si Mordecai ang ipapapatay niya kundi pati na ang lahat ng Hudyo sa buong kaharian ni Haring Asuero.
7Nang buwan ng Nisan, ang unang buwan, noong ikalabindalawang taon ng paghahari ni Asuero, nag-utos si Haman na magpalabunutan para malaman kung ano ang tamang araw at buwan para ipatupad ang plano niya. (Ang ginagamit nila sa palabunutan ay tinatawag nilang “Pur”.) At ang nabunot ay ang ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar.
8Sinabi ni Haman kay Haring Asuero, “Mahal na Hari, may isa pong grupo ng mga tao na naninirahan sa ibaʼt ibang lalawigan ng inyong kaharian at may mga sarili po silang kautusan na iba kaysa sa ibang bansa. Hindi sila sumusunod sa mga kautusan ninyo at hindi ito makakabuti para sa inyo kung pababayaan na lang sila.