Ester 7

Sinabi ni Harbona, na isa sa mga lingkod ng hari, “Nagpagawa po si Haman ng matulis na kahoy para tuhugin si Mordecai, na nagligtas sa inyong buhay. Ang taas po ng kahoy ay pitumpuʼt limang talampakan at malapit ito sa bahay ni Haman.” Kaya nag-utos ang hari, “Doon ninyo siya tuhugin!”

Esther 7:9 (UKJV) And Harbonah, one of the chamberlains, said before the king, Behold also, the gallows fifty cubits high, which Haman had made for Mordecai, who spoken good for the king, stands in the house of Haman. Then the king said, Hang him thereon.

7Galit na galit na tumayo ang hari. Iniwan niya ang kanyang iniinom at pumunta sa hardin ng palasyo. Naiwan si Haman na nagmamakaawa kay Reyna Ester dahil natitiyak niyang parurusahan siya ng hari.

8Pagbalik ng hari mula sa hardin, nakita niyang nakadapa si Haman na nagmamakaawa sa harap ng hinihigaan ni Ester. Kaya sinabi ng hari, “At gusto mo pang pagsamantalahan ang reyna dito sa loob ng aking palasyo!” Pagkasabi niyon ng hari, dinakip ng mga naroon si Haman at tinalukbungan ang ulo nito.

9Sinabi ni Harbona, na isa sa mga lingkod ng hari, “Nagpagawa po si Haman ng matulis na kahoy para tuhugin si Mordecai, na nagligtas sa inyong buhay. Ang taas po ng kahoy ay pitumpuʼt limang talampakan at malapit ito sa bahay ni Haman.” Kaya nag-utos ang hari, “Doon ninyo siya tuhugin!”

10At tinuhog nga nila si Haman doon sa ipinagawa niyang matulis na kahoy para kay Mordecai. At humupa ang galit ng hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.