Ester 8

Ipinasulat ni Mordecai sa pangalan ni Haring Asuero at tinatakan ng singsing ng hari. At pagkatapos, ipinadala sa pamamagitan ng mga tagapaghatid ng sulat na nakasakay sa mabibilis na kabayo ng hari.

Esther 8:10 (UKJV) And he wrote in the king Ahasuerus' name, and sealed it with the king's ring, and sent letters by posts on horseback, and riders on mules, camels, and young dromedaries:

8Kaya gumawa kayo ng kautusan sa aking pangalan ng anumang nais ninyong isulat para sa ikabubuti ng mga Hudyo, at pagkatapos ay tatakan ninyo ng singsing ko. Dahil anumang kasulatan na isinulat sa pangalan ng hari at tinatakan ng singsing niya ay hindi mababago.”

9Kaya noong ikadalawampuʼt tatlong araw ng ikatlong buwan, ang buwan ng Sivan, ipinatawag ang mga kalihim ng hari. Isinulat nila ang lahat ng idinikta ni Mordecai. Ang sulat ay para sa mga Hudyo, mga gobernador, mga punong-bayan, at iba pang lingkod ng hari sa 127 lalawigan, mula sa India hanggang sa Etiopia. Isinulat ito sa bawat wika ng mga tao sa buong kaharian, pati na sa wika ng mga Hudyo.

10Ipinasulat ni Mordecai sa pangalan ni Haring Asuero at tinatakan ng singsing ng hari. At pagkatapos, ipinadala sa pamamagitan ng mga tagapaghatid ng sulat na nakasakay sa mabibilis na kabayo ng hari.

11Ayon sa sulat na iyon, binigyan ng pahintulot ang lahat ng Hudyo na magsama-sama at ipagtanggol ang kanilang sarili, pati na ang kanilang mga babae at mga bata. Maaari nilang patayin ang sinumang sasalakay sa kanila mula sa kahit anong lungsod o lalawigan. Pinahintulutan din silang samsamin ang mga ari-arian ng kanilang mga kaaway.

12Magaganap ito sa lahat ng lalawigang nasasakupan ni Haring Asuero, sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.