Exodus 10

Ngunit pinatigas pa rin ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi niya pinaalis ang mga Israelita.

Exodus 10:20 (UKJV) But the LORD hardened Pharaoh's heart, so that he would not let the children of Israel go.

18Umalis si Moises at nanalangin sa Panginoon.

19Sumagot ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpapadala ng malakas na hangin galing sa kanluran, at inilipad nito ang mga balang sa Dagat na Pula. At wala ni isang balang na naiwan sa Ehipto.

20Ngunit pinatigas pa rin ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi niya pinaalis ang mga Israelita.

21Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong kamay sa langit upang mabalot ng kadiliman ang buong Ehipto.”

22Kaya itinaas ni Moises ang kamay niya sa langit, at nagdilim sa buong Ehipto sa loob ng tatlong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.