Exodus 10

Sinabi ng mga opisyal ng Faraon sa kanya, “Hanggang kailan tayo bibigyan ng problema ng taong ito? Paalisin nʼyo na po ang mga Israelita, upang makasamba na sila sa Panginoon na kanilang Diyos. Hindi nʼyo ba nakikitang wasak na wasak na ang buong Ehipto?”

Exodus 10:7 (UKJV) And Pharaoh's servants said unto him, How long shall this man be a snare unto us? let the men go, that they may serve the LORD their God: know you not yet that Egypt is destroyed?

5Sa sobrang dami nila, hindi na makikita ang lupa. Kakainin nila ang mga pananim na hindi nasira ng pag-ulan ng yelo, maging ang lahat ng punongkahoy.

6Mapupuno ng balang ang iyong palasyo at ang mga bahay ng mga opisyal at mga mamamayan mo. Wala pang ganitong pangyayari sa kasaysayan ng Ehipto mula nang dumating ang inyong mga ninuno hanggang ngayon.’ ” Nang masabi ito ni Moises, umalis na siya.

7Sinabi ng mga opisyal ng Faraon sa kanya, “Hanggang kailan tayo bibigyan ng problema ng taong ito? Paalisin nʼyo na po ang mga Israelita, upang makasamba na sila sa Panginoon na kanilang Diyos. Hindi nʼyo ba nakikitang wasak na wasak na ang buong Ehipto?”

8Kaya pinabalik sina Moises at Aaron sa Faraon. Sinabi ng Faraon sa kanila, “Maaari na kayong umalis upang makasamba kayo sa Panginoon na inyong Diyos. Ngunit sabihin nʼyo sa akin kung sino ang isasama ninyo sa pag-alis.”

9Sumagot si Moises, “Aalis kaming lahat, bata at matanda. Dadalhin namin ang aming mga anak at mga hayop, dahil lahat kami ay magdaraos ng pista para sa Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.