Exodus 12

Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila ni Moises na humingi sa mga Ehipsiyo ng mga alahas na pilak at ginto, at mga damit.

Exodus 12:35 (UKJV) And the children of Israel did according to the word of Moses; and they borrowed of the Egyptians jewels of silver, and jewels of gold, and raiment:

33Pinagmadali ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita na umalis sa kanilang bansa, dahil sabi nila, “Kung hindi kayo aalis, mamamatay kaming lahat!”

34Kaya dinala ng mga Israelita ang mga minasa nilang harina na walang pampaalsa na nakalagay sa lalagyan. Ibinalot nila ito sa mga damit nila at pinasan.

35Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila ni Moises na humingi sa mga Ehipsiyo ng mga alahas na pilak at ginto, at mga damit.

36Niloob ng Panginoon na maging mabuti ang mga Ehipsiyo sa mga Israelita, kaya ibinigay ng mga Ehipsiyo ang mga hinihingi nila. Sa ganitong paraan, nasamsam nila ang mga ari-arian ng mga Ehipsiyo.

37Naglakbay ang mga Israelita mula Rameses papuntang Sucot. Mga 600,000 lahat ang lalaki, hindi pa kabilang dito ang mga babae at mga bata.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.