Exodus 12

Alagaan ninyo ito hanggang sa dapit-hapon nang ikalabing-apat na araw ng buwan. Ito ang panahon na kakatayin ng buong sambayanan ng Israel ang mga hayop.

Exodus 12:6 (UKJV) And all of you shall keep it up until the fourteenth day of the same month: and the whole assembly of the congregation of Israel shall kill it in the evening.

4Kung maliit lang ang isang pamilya at hindi makakaubos ng isang tupa, maghati sila ng kapitbahay niya. Hatiin nila ito ayon sa dami nila at ayon sa makakain ng bawat tao.

5Kailangang piliin ninyo ang lalaking kambing o tupa na isang taon pa lang at walang kapintasan.

6Alagaan ninyo ito hanggang sa dapit-hapon nang ikalabing-apat na araw ng buwan. Ito ang panahon na kakatayin ng buong sambayanan ng Israel ang mga hayop.

7Pagkatapos, kunin ninyo ang dugo nito at ipahid sa ibabaw at sa gilid ng hamba ng mga pintuan ng mga bahay kung saan ninyo kakainin ang mga tupa.

8Sa gabing iyon, ang kakainin ninyoʼy ang nilitsong tupa, mapapait na gulay at tinapay na walang pampaalsa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.