20Pag-alis nila sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, sa dulo ng disyerto.
21Kapag araw, ginagabayan sila ng Panginoon sa pamamagitan ng makapal na ulap, at kapag gabi ay ginagabayan sila sa pamamagitan ng naglalagablab na haliging apoy na nagbibigay sa kanila ng liwanag, upang makapaglakbay sila araw man o gabi.
22Nangunguna sa kanila ang makapal na ulap kapag araw at ang naglalagablab na haliging apoy kapag gabi.