1Umawit si Moises at ang mga Israelita ng awit sa Panginoon: “Aawitan ko ang Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.
2“Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Diyos, at pupurihin ko siya. Siya ang Diyos ng aking ama, at siyaʼy aking itataas.
3Panginoon ang kanyang pangalan, isa siyang mandirigma.
4Ang mga karwahe at mga sundalo ng Faraon, itinapon niya sa dagat. Ang mga pinakamagagaling na opisyal ng Faraon ay nalunod sa Dagat na Pula.