12Nang mangalay na ang mga kamay ni Moises, kumuha sina Aaron at Hur ng isang bato. Inilagay ito sa kanyang kinatatayuan at pinaupo siya roon. Inalalayan nila ang kanyang mga kamay, isa sa bawat kamay, kaya nanatili itong nakataas hanggang lumubog ang araw.
13Kaya natalo nina Josue ang mga Amalekita.
14Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isulat mo ito upang hindi makalimutan at ipaalam mo ito kay Josue: Lubusan kong buburahin ang alaala ng lahi ng mga Amalekita.”
15Gumawa si Moises ng altar at tinawag niya itong, “Ang Panginoon ang aking Bandila ng Tagumpay.”
16Sinabi niya, “Dahil sa itinaas ng mga Amalekita ang mga kamao nila sa trono ng Panginoon, patuloy na makikipaglaban sa Amalekita ang Panginoon magpakailanman.”