Exodus 21

Ngunit kung hindi niya ito sinadya at pinayagan ko itong mangyari, makakatakas siya sa lugar na ituturo ko sa kanya.

Exodus 21:13 (UKJV) And if a man lie not in wait, but God deliver him into his hand; then I will appoint you a place where he shall flee.

11Kung hindi niya masusunod ang tatlong bagay na ito, papayagan niyang lumaya ang babae nang walang bayad.

12“Ang sinumang makakasakit ng tao at mapatay ito, papatayin din siya.

13Ngunit kung hindi niya ito sinadya at pinayagan ko itong mangyari, makakatakas siya sa lugar na ituturo ko sa kanya.

14Ngunit kung sinadya niya at binalak ang pagpatay, patayin nʼyo siya kahit na lumapit pa siya sa altar ko.

15“Ang sinumang mananakit sa kanyang ama o ina ay papatayin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.