Exodus 21

“Kung makapatay ang toro ng kapwa toro, ipagbibili ng parehong may-ari ang buháy na toro at hahatiin ang pinagbentahan nito. Hahatiin din nila ang karne ng namatay na toro.

Exodus 21:35 (UKJV) And if one man's ox hurt another's, that he die; then they shall sell the live ox, and divide the money of it; and the dead ox also they shall divide.

33“Kung may taong nagtanggal ng takip ng balon o taong naghukay ng balon at hindi niya ito tinakpan, at may nahulog na baka o asno sa balong iyon,

34dapat magbayad ang may-ari ng balon sa may-ari ng hayop, at magiging kanya na ang hayop.

35“Kung makapatay ang toro ng kapwa toro, ipagbibili ng parehong may-ari ang buháy na toro at hahatiin ang pinagbentahan nito. Hahatiin din nila ang karne ng namatay na toro.

36Ngunit kung nasanay nang manuwag ang torong nakapatay at hindi ito ikinulong ng may-ari, magbabayad ang may-ari ng isang toro kapalit ng namatay, at magiging kanya na ang namatay na toro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.