12Maghulma ka ng apat na argolyang ginto at ikabit ito sa apat na paa nito, dalawa sa bawat gilid.
13Magpagawa ka rin ng tukod na akasya at balutan ito ng ginto.
14Isuot mo ang tukod sa mga argolyang ginto sa bawat gilid ng Kahon upang mabuhat ang Kahon sa pamamagitan ng mga tukod.
15Huwag ninyong tatanggalin ang argolyang ginto sa tukod ng Kahon.
16Pagkatapos, ipasok mo sa Kahon ang malalapad na bato ng kasunduan na ibibigay ko sa iyo.