Exodus 26

Magpagawa ka ng limampung kawit na ginto upang mapagkabit ang parang mga singsing sa dalawang pinagdugtong na tabing. Sa pamamagitan nito, magiging buo ang Tabernakulo.

Exodus 26:6 (UKJV) And you shall make fifty clasps of gold, and couple the curtains together with the clasps: and it shall be one tabernacle.

4At pagawan mo ng parang singsing na gawa sa telang asul ang pinakadulong gilid ng bawat pinagdugtong na tabing,

5limampung parang singsing sa isang tabing at limampu rin sa isa pa, at ang mga ito ay kailangang magkatapat sa isaʼt isa.

6Magpagawa ka ng limampung kawit na ginto upang mapagkabit ang parang mga singsing sa dalawang pinagdugtong na tabing. Sa pamamagitan nito, magiging buo ang Tabernakulo.

7“Pagawan mo ng talukbong ang Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito.

8Kailangang may haba na apatnapuʼt limang talampakan ang bawat tela at anim na talampakan ang lapad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.