Exodus 28

“Ipatahi mo rin sila ng mga pang-ilalim na damit na gawa sa lino na tatakip sa kanyang kahubaran. Ang haba nitoʼy mula sa baywang hanggang sa hita.

Exodus 28:42 (UKJV) And you shall make them linen breeches to cover their nakedness; from the loins even unto the thighs they shall reach:

40Magpatahi ka rin ng mga damit-panloob, mga sinturon, at mga turban para sa mga anak ni Aaron para sa ikararangal nila.

41“Ipasuot mo ang mga damit sa kapatid mong si Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at pagkatapos, buhusan mo sila ng langis at ordinahan. Italaga mo sila sa akin upang makapaghandog sila sa akin bilang mga pari.

42“Ipatahi mo rin sila ng mga pang-ilalim na damit na gawa sa lino na tatakip sa kanyang kahubaran. Ang haba nitoʼy mula sa baywang hanggang sa hita.

43Kailangan nila itong isuot kapag papasok sila sa Tabernakulo, o kapag lalapit sila sa altar ng Banal na Lugar sa paglilingkod bilang mga pari, upang hindi sila masilipan at mamatay. “Ang tuntuning itoʼy dapat sundin ni Aaron at ng kanyang salinlahi magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.