Exodus 31

Pinili ko rin si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan, upang tumulong kay Bezalel. “Binigyan ko rin ng kakayahan ang lahat ng may karunungan sa anumang gawain upang magawa nila ang lahat ng iniutos kong gawin mo:

Exodus 31:6 (UKJV) And I, behold, I have given with him Aholiab, the son of Ahisamach, of the tribe of Dan: and in the hearts of all that are wise hearted I have put wisdom, that they may make all that I have commanded you;

4sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso,

5sa paghuhugis ng mamahaling mga bato, sa paglililok ng kahoy at lahat ng klase na gawang kamay.

6Pinili ko rin si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan, upang tumulong kay Bezalel. “Binigyan ko rin ng kakayahan ang lahat ng may karunungan sa anumang gawain upang magawa nila ang lahat ng iniutos kong gawin mo:

7“ang Tabernakulo, ang Kahon ng Kasunduan at ang takip ng kapatawaran, at ang lahat ng kagamitan sa Tolda,

8ang mesa at ang mga kagamitan nito, ang ilawang purong ginto at ang lahat ng kagamitan nito, ang altar na pagsusunugan ng insenso,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.