27Sinabi ni Moises sa kanila, “Sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na isukbit ng bawat isa sa inyo ang mga espada ninyo, libutin ninyo ang buong kampo, at patayin ninyo lahat kahit kapatid pa ninyo, kaibigan o kapitbahay.”
28Sinunod ng mga Levita ang iniutos sa kanila ni Moises, at nang araw na iyon 3,000 ang taong namatay.
29Sinabi ni Moises sa mga Levita, “Ibinukod kayo ng Panginoon sa araw na ito, dahil pinagpapatay ninyo kahit mga anak ninyo at mga kapatid. Kaya binasbasan niya kayo sa araw na ito.”
30Nang sumunod na araw, sinabi ni Moises sa mga tao, “Nakagawa kayo ng malaking kasalanan. Ngunit aakyat ako ngayon sa bundok, doon sa Panginoon; baka matulungan ko kayong mapatawad sa inyong mga kasalanan.”
31Kaya bumalik si Moises sa Panginoon at sinabi, “Malaking kasalanan po ang nagawa ng mga taong ito. Gumawa sila ng diyos-diyosang ginto.