Exodus 35

at ang banal na mga damit ni Aaron na pari at mga anak niyang lalaki, na isusuot nila kapag naglilingkod na sila sa Banal na Lugar.”

Exodus 35:19 (UKJV) The cloths of service, to do service in the holy place, the holy garments for Aaron the priest, and the garments of his sons, to minister in the priest's office.

17ang mga kurtina sa mga dingding ng bakuran ng Tolda at ang mga haligi at mga patungan nito, ang kurtina sa pintuan ng bakuran;

18ang mga tulos at mga lubid ng Tolda at ang mga kurtina sa palibot nito,

19at ang banal na mga damit ni Aaron na pari at mga anak niyang lalaki, na isusuot nila kapag naglilingkod na sila sa Banal na Lugar.”

20Pagkatapos, umalis ang buong sambayanan ng Israel sa harapan ni Moises.

21Dumating ang lahat ng taong naantig ang puso at nahimok ng kanyang espiritu, at dinala nila ang mga handog nila sa Panginoon para sa paggawa ng Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan nito, at para sa damit ng mga pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.