32sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso;
33sa paghuhugis ng mamahaling bato, sa paglililok ng kahoy, at lahat ng klase na gawang kamay.
34Binigyan din siya ng Diyos, at si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan, ng kakayahang magturo sa iba ng mga nalalaman nila.
35Binigyan sila ng Panginoon ng kakayahang gumawa ng lahat ng klase ng gawain: pag-uukit, pagdidisenyo, pagbuburda gamit ang pinong lino at ng lanang kulay asul, ube at pula at paghahabi. Kaya nilang gawin ang kahit anong klase ng gawain at napakahuhusay nilang gumawa.