Exodus 38

Katulong niya si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan. Magaling siyang magtrabaho, magdisenyo, at magburda ng pinong lino at ng lanang kulay asul, ube at pula.

Exodus 38:23 (UKJV) And with him was Aholiab, son of Ahisamach, of the tribe of Dan, an engraver, and a cunning workman, and an embroiderer in blue, and in purple, and in scarlet, and fine linen.

21Ito ang mga materyales na ginamit sa pagpapatayo ng Tabernakulo, kung saan nakalagay ang malalapad na batong kinasusulatan ng mga utos ng Diyos. Inilista ng mga Levita ang mga materyales na ito ayon sa utos ni Moises. Ang gawaing itoʼy pinamahalaan ni Itamar na anak ni Aaron na pari.

22Si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lahi ni Juda ang gumawa sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

23Katulong niya si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan. Magaling siyang magtrabaho, magdisenyo, at magburda ng pinong lino at ng lanang kulay asul, ube at pula.

24Ang kabuuang timbang ng gintong inihandog upang gamitin sa paggawa ng Tolda ay isang libong kilo ayon sa pamantayan ng Tabernakulo.

25Ang kabuuang timbang ng pilak na naipon ay 3,430 kilo ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. Nanggaling ito sa mga taong nailista sa sensus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.