Exodus 38

Ang 3,500 kilo ng pilak ay ginamit sa paggawa ng isang daang patungan ng Tolda at ng mga kurtina, tatlumpuʼt limang kilo bawat patungan.

Exodus 38:27 (UKJV) And of the hundred talents of silver were cast the sockets of the sanctuary, and the sockets of the vail; an hundred sockets of the hundred talents, a talent for a socket.

25Ang kabuuang timbang ng pilak na naipon ay 3,430 kilo ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. Nanggaling ito sa mga taong nailista sa sensus.

26Nagbigay ang bawat isa sa kanila ng anim na gramo ng pilak ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. Ito ay nalikom mula sa 603,550 na lalaking may edad na dalawampu pataas na nailista sa sensus.

27Ang 3,500 kilo ng pilak ay ginamit sa paggawa ng isang daang patungan ng Tolda at ng mga kurtina, tatlumpuʼt limang kilo bawat patungan.

28Ang natirang dalawampung kilong pilak ay ginawang kawit at baras ng mga haligi, at ibinalot sa ulo ng mga haligi.

29Ang bigat ng tansong inihandog sa Panginoon ay mga 2,500 kilo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.