33Ipinakita nila kay Moises ang Tabernakulo at ang lahat ng kagamitan nito: ang mga kawit, balangkas, biga, haligi, patungan,
34ang pantaklob na gawa sa balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, ang pantaklob na gawa sa magandang klase ng balat, ang mga kurtina;
35ang Kahon ng Kasunduan, ang takip nito at pambuhat;
36ang mesa at ang lahat ng kagamitan nito, ang tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos;
37ang ilawang purong ginto at ang mga ilaw at kagamitan nito, ang langis para sa ilaw;