40ang mga kurtina ng bakuran at ang mga haligi at mga patungan nito, ang kurtina sa pintuan ng bakuran, ang mga panali at mga tulos para sa kurtina ng bakuran, ang lahat ng kagamitan sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan;
41at ang banal na mga damit na isusuot ni Aaron at ng mga anak niya kapag naglilingkod na sila bilang mga pari sa Tolda.
42Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng gawain ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
43Tiningnan ni Moises ang trabaho nila, at nakita niya na ginawa nilang lahat iyon ayon sa iniutos ng Panginoon. Kaya binasbasan sila ni Moises.