Exodus 40

Pagkatapos, ipinasok niya sa Kahon ang malalapad na batong kinasusulatan ng mga utos ng Diyos, at isinuksok niya sa argolya ng Kahon ang mga tukod na pambuhat, at ipinatong ang takip sa ibabaw nito.

Exodus 40:20 (UKJV) And he took and put the testimony into the ark, and set the staves on the ark, and put the mercy seat above upon the ark:

18Ganito itinayo ni Moises ang Tolda: Inilagay niya ang mga patungan, balangkas, biga, at haligi.

19Inilatag niya ang Tolda at pinatungan niya ng pantaklob ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

20Pagkatapos, ipinasok niya sa Kahon ang malalapad na batong kinasusulatan ng mga utos ng Diyos, at isinuksok niya sa argolya ng Kahon ang mga tukod na pambuhat, at ipinatong ang takip sa ibabaw nito.

21Ipinasok niya ang Kahon sa loob ng Tabernakulo, at isinabit ang kurtina upang matakpan ang Kahon ng Kasunduan ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya.

22Inilagay niya ang mesa sa loob ng Tolda, sa bandang hilaga, sa labas ng kurtina.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.