25Si Eleazar na anak ni Aaron ay nakapag-asawa ng isa sa mga anak ni Futiel. Ang kanilang anak na lalaki ay si Finehas. Sila ang mga ninuno ng pamilyang nagmula kay Levi ayon sa kanilang angkan.
26Ang Aaron at Moises na nabanggit sa listahang ito ay ang Aaron at Moises na inutusan ng Panginoon na manguna sa pagpapalaya ng bawat angkan ng Israel sa Ehipto.
27Sila ang nakipag-usap sa Faraon na hari ng Ehipto na palayain ang mga Israelita sa Ehipto.
28Nang nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises sa Ehipto,
29sinabi niya kay Moises, “Ako ang Panginoon. Sabihin ninyo sa Faraon na hari ng Ehipto ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”