2Sabihin mo kay Aaron ang lahat ng sinabi ko sa iyo at ipasabi mo ito sa kanya sa Faraon. Sasabihin niya sa Faraon na palayain ang mga Israelita sa kanyang bayan.
3Ngunit patitigasin ko ang puso ng Faraon at kahit na gumawa pa ako ng maraming tanda at kababalaghan sa Ehipto,
4hindi siya makikinig sa iyo. Pagkatapos, parurusahan ko nang matindi ang Ehipto, at palalayain ko ang bawat lahi ng Israel na aking mga mamamayan.
5Kapag naparusahan ko na ang mga Ehipsiyo at napalabas na ang mga Israelita sa kanilang bansa, malalaman nilang ako ang Panginoon.”
6Sinunod nila Moises at Aaron ang iniutos ng Panginoon sa kanila.