29Sumagot si Moises, “Pag-alis ko rito, mananalangin ako sa Panginoon. At bukas, mawawala ang mga langaw sa inyo, at sa mga opisyal at mamamayan mo. Ngunit siguraduhin mo na hindi mo na kami lolokohing muli at pipigilang umalis upang maghandog sa Panginoon.”
30Umalis sila Moises at nanalangin sa Panginoon,
31at ginawa ng Panginoon ang pakiusap ni Moises. Umalis ang mga langaw sa lahat ng Ehipsiyo. Walang natira kahit isa.
32Ngunit nagmatigas pa rin ang Faraon at hindi niya pinaalis ang mga Israelita.