Ezekiel 1

Parang nagniningas na baga o mga sulo ang itsura ng mga nilalang na ito. Sa pagitan nilaʼy may apoy na nagliliwanag at mula rin ditoʼy may kidlat na lumalabas

Ezekiel 1:13 (UKJV) As for the likeness of the living creatures, their appearance was like burning coals of fire, and like the appearance of lamps: it went up and down among the living creatures; and the fire was bright, and out of the fire went forth lightning.

11Ang dalawa sa mga pakpak nila ay nakabuka pataas at magkadikit ang mga dulo, at ang dalawa pa nilang pakpak ay nakatakip sa kanilang katawan.

12Dumidiretso sila nang sabay-sabay saanman. At kung saan sila dinadala ng Espiritu, doon sila pumupunta.

13Parang nagniningas na baga o mga sulo ang itsura ng mga nilalang na ito. Sa pagitan nilaʼy may apoy na nagliliwanag at mula rin ditoʼy may kidlat na lumalabas

14Ang mga buháy na nilalang na itoʼy nagpaparooʼt parito na kasimbilis ng kidlat.

15Habang nakatingin ako sa apat na buháy na nilalang, nakita kong ang bawat isa sa kanila ay may gulong sa ilalim. Ang apat na gulong ay nakasayad sa lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.