17Kaya nakakapunta ang mga gulong na ito at ang mga buháy na nilalang kahit saang direksyon nang hindi na kailangang bumaling pa.
18Ang gilid ng mga gulong ay malapad at nakakatakot dahil puno ng mga mata.
19Kasama ng apat na buháy na nilalang ang mga gulong kahit saan sila pumunta, at kapag umaangat sila, umaangat din ang mga gulong.
20Ang espiritu ng apat na buháy na nilalang ay nasa gulong. Kaya saan man pumunta ang espiritu, doon din pumupunta ang apat na buháy na nilalang at ang mga gulong.
21Kapag lumakad ang mga buháy na nilalang, kasama rin ang mga gulong. Kapag tumigil sila, tumitigil din ang mga ito. At kapag lumipad sila, lumilipad din ang mga gulong dahil ang espiritu nila ay nasa gulong.