26Sinabi sa akin ng Panginoon,
27“Anak ng tao, sinasabi ng mga mamamayan ng Israel na ang mga pangitain mo at mga propesiya ay mangyayari pero matagal pa.
28Kaya sabihin mo sa kanila: ‘Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi na sa lalong madaling panahon ay magaganap na ang mga sinabi ko. Oo, mangyayari na ito.’ ”