Ezekiel 14

Sinabi sa akin ng Panginoon,

Ezekiel 14:2 (UKJV) And the word of the LORD came unto me, saying,

1Minsan, lumapit sa akin ang mga pinuno ng Israel at umupo sa harap ko upang sumangguni sa Panginoon.

2Sinabi sa akin ng Panginoon,

3“Anak ng tao, ang mga taong iyan ay nagmamahal sa mga diyos-diyosan na siyang nagtulak sa kanila sa pagkakasala, kaya hindi ako makakapayag na humingi sila ng payo sa akin.

4Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Ang sinumang Israelitang nagmamahal sa mga diyos-diyosan na siyang nagtulak sa kanya sa pagkakasala, at pagkatapos ay humihingi ng payo sa isang propeta ay tuwiran kong sasagutin sa pamamagitan ng parusang nararapat at ayon sa dami ng kanyang mga diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.