1Sinabi sa akin ng Panginoon,
2“Anak ng tao, ipaalam mo sa Jerusalem ang mga kasuklam-suklam niyang gawa.
3Sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa Jerusalem: Isa ka sa lahi ng mga Cananeo! Ang ama mo ay isang Amoreo at ang iyong ina ay isang Heteo.
4Nang ipinanganak kaʼy walang nag-asikaso sa iyo. Walang pumutol ng pusod mo, nagpaligo o nagpahid ng asin sa katawan mo at wala ring nagbalot ng lampin sa iyo.