Ezekiel 16

Walang nagmalasakit sa iyo upang gawin ang mga bagay na ito. Walang sinumang naawa sa iyo. Sa halip, itinapon ka sa kapatagan at isinumpa mula nang araw na isinilang ka.

Ezekiel 16:5 (UKJV) None eye pitied you, to do any of these unto you, to have compassion upon you; but you were cast out in the open field, to the loathing of your person, in the day that you were born.

3Sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa Jerusalem: Isa ka sa lahi ng mga Cananeo! Ang ama mo ay isang Amoreo at ang iyong ina ay isang Heteo.

4Nang ipinanganak kaʼy walang nag-asikaso sa iyo. Walang pumutol ng pusod mo, nagpaligo o nagpahid ng asin sa katawan mo at wala ring nagbalot ng lampin sa iyo.

5Walang nagmalasakit sa iyo upang gawin ang mga bagay na ito. Walang sinumang naawa sa iyo. Sa halip, itinapon ka sa kapatagan at isinumpa mula nang araw na isinilang ka.

6“Ngunit nang mapadaan ako, nakita kitang kumakawag-kawag sa sarili mong dugo at sinabi ko sa iyong mabubuhay ka.

7Pinalaki kita tulad ng isang tanim sa bukirin. Lumaki ka at naging dalaga. Lumaki ang dibdib mo at lumago ang iyong buhok, pero hubad ka pa rin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.