2“Anak ng tao, sabihin mo ang talinghaga na ito sa mga mamamayan ng Israel.
3Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: May malaking agila na lumipad papuntang Lebanon. Malapad ang pakpak nito at malago ang balahibong sari-sari ang kulay. Dumapo siya sa tuktok ng punong sedro,
4pinutol ang umuusbong na sanga at dinala sa lungsod ng mga mangangalakal at doon itinanim.
5Pagkatapos, kumuha naman ng binhi ang agila mula sa lupain ng Israel at itinanim sa matabang lupa sa tabi ng ilog at mabilis na tumubo.
6Tumubo ito na isang mababang halaman na gumagapang. Ang mga sanga nitoʼy gumapang papunta sa agila at ang ugat ay lumalim. Nagsanga pa ito at marami pang umusbong.