Ezekiel 18

“Kung ang masamang taong ito ay may anak na lalaki at nakita niya ang lahat ng masamang ginawa ng kanyang ama pero hindi niya ito ginaya.

Ezekiel 18:14 (UKJV) Now, lo, if he brought forth a son, that sees all his father's sins which he has done, and considers, and does not such like,

12Nang-aapi ng mahihirap at nangangailangan. Nagnanakaw siya. At hindi isinasauli ang isinangla ng mga nangutang sa kanya. Sumasamba sa mga diyos-diyosan, gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay,

13at nagpapatubo sa mga may utang sa kanya. Maliligtas kaya siya? Hindi! Mamamatay siya dahil sa mga ginawa niyang kasuklam-suklam at walang ibang dapat sisihin sa kamatayan niya kundi siya.

14“Kung ang masamang taong ito ay may anak na lalaki at nakita niya ang lahat ng masamang ginawa ng kanyang ama pero hindi niya ito ginaya.

15Hindi siya sumamba sa mga diyos-diyosan ng Israel o kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosang ito sa mga sambahan sa bundok, hindi siya sumisiping sa hindi niya asawa,

16hindi siya nang-aapi at hindi niya inaangkin ang mga garantiya ng mga umutang sa kanya, hindi siya nagnanakaw, pinapakain niya ang mga nagugutom at binibigyan ng damit ang mga walang damit,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.