Ezekiel 18

Ngunit baka sabihin ninyo mamamayan ng Israel, ‘Hindi tama ang ginagawa ng Panginoon!’ Mga mamamayan ng Israel, ang mga pamamaraan ko ba ang hindi tama o ang ginagawa ninyo?

Ezekiel 18:29 (UKJV) Yet says the house of Israel, The way of the LORD is not equal. O house of Israel, are not my ways equal? are not your ways unequal?

27Ngunit kung ang taong masama ay tumigil sa paggawa ng masama at gumawa ng matuwid at tama, maililigtas niya ang buhay niya.

28Dahil inamin niya ang kasalanan niya at pinagsisihan ito, hindi siya mamamatay at patuloy na mabubuhay.

29Ngunit baka sabihin ninyo mamamayan ng Israel, ‘Hindi tama ang ginagawa ng Panginoon!’ Mga mamamayan ng Israel, ang mga pamamaraan ko ba ang hindi tama o ang ginagawa ninyo?

30“Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan upang hindi kayo mapahamak.

31Mga mamamayan ng Israel, bakit gusto ninyong mamatay? Tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan at baguhin na ang inyong pamumuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.