1“Awitin mo ang panaghoy na ito para sa mga pinuno ng Israel.
2Sabihin mo: ‘Ang iyong ina ay parang isang leon na inaalagaan ang mga anak niya kasama ng iba pang mga leon.
3Inalagaan niya ang isa sa mga anak niya, lumaki ito at naging malakas na leon. Natuto itong manghuli at manlapa ng mga tao.
4Nang mabalitaan ito ng ibang bansa, hinuli nila ito at dinala sa Ehipto na nakakadena.