Ezekiel 20

dahil hindi nila sinunod ang mga utos koʼt panuntunan at nilapastangan nila ang Araw ng Pamamahinga na ipinatutupad ko sa kanila. Higit nilang pinahalagahan ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ng kanilang mga magulang.

Ezekiel 20:24 (UKJV) Because they had not executed my judgments, but had despised my statutes, and had polluted my sabbaths, and their eyes were after their fathers' idols.

22Ngunit hindi ko rin ito ginawa, dahil ayaw kong malagay sa kahihiyan ang pangalan ko sa mga bansa sa palibot na nakaalam na inilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto.

23Ngunit isinumpa ko sa kanila roon sa ilang na pangangalatin ko sila sa ibaʼt ibang bansa,

24dahil hindi nila sinunod ang mga utos koʼt panuntunan at nilapastangan nila ang Araw ng Pamamahinga na ipinatutupad ko sa kanila. Higit nilang pinahalagahan ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ng kanilang mga magulang.

25Pinabayaan ko silang sundin ang mga utos at mga tuntuning hindi mabuti at hindi makapagbibigay ng magandang buhay.

26Pinabayaan ko silang dungisan ang mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahandog sa mga diyos-diyosan pati na ang paghahandog ng kanilang mga panganay na lalaki. Pinayagan ko ito upang mangilabot sila at malaman nilang ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.