42At kapag nadala ko na kayo sa lupain ng Israel na ipinangako kong ibibigay sa inyong mga ninuno, malalaman ninyong ako ang Panginoon.
43At doon ninyo maaalala ang mga ginawa ninyong nagparumi sa inyong mga sarili at kamumuhian ninyo ang mga sarili ninyo dahil sa lahat ng ginawa ninyong kasamaan.
44O mga mamamayan ng Israel, malalaman ninyong ako ang Panginoon kapag pinakitunguhan ko kayo ng mabuti, sa kabila ng marumi at masama ninyong ginawa, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”
45Sinabi sa akin ng Panginoon,
46“Anak ng tao, humarap ka sa timog at magpropesiya ka laban sa mga lugar doon na may mga kagubatan.