45Sinabi sa akin ng Panginoon,
46“Anak ng tao, humarap ka sa timog at magpropesiya ka laban sa mga lugar doon na may mga kagubatan.
47Sabihin mo sa mga lugar na iyon na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang magpapaningas at susunog sa mga kagubatan, sariwa man ito o tuyo. Walang makakapatay sa nagliliyab na apoy at susunugin nito ang lahat mula sa hilaga hanggang sa timog.
48At makikita ng lahat na ako, ang Panginoon, ang sumunog nito at hindi ito mapapatay.
49“Pagkatapos ay sinabi ko, ‘O Makapangyarihang Panginoon, sinasabi ng mga tao na nagsasalita lang daw ako ng mga talinghaga.’ ”